Wednesday, November 7, 2012

Y's about this blog

Di ko naalam kung pang-ilan na blog ko na ito.
Palagay ko 9th blog ko na 'to.
Pero ang laging active ay yung dalawa kong blog sa tumblr, yung personal at yung sa photography.

Bale ginawa ko'to para makaiwas sa mga taong ka-close ko na dun masyado.
Nakakasakal na madaming kakilala mo ang nakakapagbasa ng posts mo na tila ba e masyadong personal.
Pero dito ko na siguro ipopost lahat ng gugagambala ng aking pagkatao lol awooooo~

Anyway,walaakong pake kung ayaw mo sa mga pinopost ko.
I'm doing this for myself.
Kumabaga ba sa simbahan, eto yung parang lugar na pinagsasabihan ko ng confessions and whatnot.


Dun naman tayo sa URL ko.
pancake-with-underarm-protection ang URL na napili ko (di ba halata?) lol
Kung nanunuod ka ng Eat Bulaga magegets mo yan pero palagay ko ay di ka nanunuod kaya ieexplain ko na din:
Kasi may portion sa EB na parang may bayanihan something na sumusugod sila ng bahay ng isang winner nung portion.Tapos madaming binibigay na prizes sa winner, gaya ng pang-sari-sari, electric fan, rice cooker blah blah. Tapos eh alam mo naman na mga komedyano ang mga tao dun, niloloko nila yung prizes nila kunwari yung gas stove, lolokohin nila tapos gagawin nilang gas stove with baranggay clearance hahahaha wala,natatawa ako pero kumukorni na ngayon pero natawa ako sa microwave oven with underarm protection nila dati. Eh di naman ako mahilig sa microwave, sa pagluluto ng pancakes ako mahilig kaya ayun ganyan ang URL ko.

=_='

Sa Aka naman, mahilig kasi ako sa mga japanese stuff at sa kulay pula.
Tapos nung hayskul ako eh mahilig akong mag-isip ng pangalan na pwedeng ipangalan sa mga magiging anak ko tapos ayun paborito ko yung Aka kasi maikli lang at simple.
Dahil naman wala akong anak eh hinihiram ko muna lol at wala na akong balak mag-anak ngayon... ikukwento ko next time kung bakit.

TTFN
tata for now.

No comments:

Post a Comment