Binasa ko this month yung The Secret Garden at The Wonderful Wizard of Oz.
Ang babaw ng kwento nung dalawa (malamang kasi Children's book) pero ang ganda, sobrang ganda, naluluha-luha pa ako habang binabasa.
Haha ewan ko ba pero pag nakakapagbasa ako ng Children's book, natutuwa ako.
Sa The Secret Garden, naluha-luha ako dun kasi mahilig ako sa mga halaman... Nung binabasa ko yun feeling ko ako yung nagtatanim sa garden hahaha Parang bigla din akong nakaramdam ng awa sa sarili ko kasi pangarap ko talagang makapag-tanim ng mga halaman. Pero hanggang munggo lang kaya kong itanim na tumutubo! HUHU
shet ang babaw ko.
Pero nga di ako fan ng cut flowers... yung mga binibigay ng boys sa mga girls.. ang boring ng halaman pag yung patay na... gusto ko nakatanim... yung buhay... *sigh* kung magkakaroon man ako ng boyfriend, sasabihan ko siya na live plants ang ibigay niya sa akin instead of those boring cut flowers.
Pag may sarili na akong tirahan, magiipon muna ako ng mga cactus weee, ang cute nila.
Sa The Wonderful Wizard of Oz naman... una, bago ko iexplain kung bago ako napa-emote nun, nagtataka lang ako kung bakit ganun ang title eh walang kwenta naman yung Wizard... sana The Wonderful Emerald City na lang o kaya The Great Pretender- The Wizard of Oz LOL
okay pero di ako yung author kaya whatevs.
O kaya Wishing for what all we already have.
okay tama na nga
ang babaw.
Okay naluha-luha ako dun kasi ang dami kong na-relearn... erhem i mean mas naintindihan ko dun yung mga napag-aralan ko nung bata ako.... Tapos medyo naawa ako kay Dorothy...
OKAY
No comments:
Post a Comment