Saturday, November 10, 2012

Umiiyak ako kanina habang kasama ko yung nanay at dalawang kapatid ko. Pero di yung iyak na OA na mahahalata nila... yung luha-punas lang.

Napansin ko kasi na parang may galit sa akin lhat ng nakakasama ko dito, dito sa bahay lang naman. Ewan ko kung bakit pero... basta, wala silang pake sa akin, trato nila sa akin parang utot... yung di nila ako nakikita pero pag napansin ako eh galit sila sa akin.


Pati nga 'yung mga kasambahay namin eh- silang dalawa. Tangina, kung tratuhin nila ako eh parang ako yung kasambahay. Kung utusan nila ako (oo inuutusan nila ako) eh parang ako yung sumisweldo eh di naman ako sumisweldo, tatlong araw na nga akong walang allowance eh. Pag inuutusan ko naman sila, tangina sisimangot pa muna sila, magma-mumble ng kung ano, nagdadabog... yung mga signs of protest kumbaga. Tangina tapos minsan nga eh di nila gagawin, gagawa ng palusot o kaya mas malala di ako papansinin, may mga times na pinapanuod nila ako na ginagawa yung pinapagawa ko sa kanila. Ang nakakairita pa eh makikita mo na nagbabasa lang naman sila ng pocketbook.

Walang rumirespeto sa akin dito sa bahay. Yung mga kapatid kong mas bata sa akin, minumura pa ako minsan.
Sana deaf-mute na lang ako.

#dramarama sa gabi

No comments:

Post a Comment