Friday, November 23, 2012

The Ipis Experience with Baygon Almighty and Yours Truly: A Memoir

May 19, 2012
12:57 a.m.

*This is a true story.

Anong oras na.
Di ako makatulog, dahil din siguro sa kapeng ininom ko kanina.


Anyway, nakapatay ako ng apat na ipis gamit ang mahiwagang baygon.
May napansin ako sa unang dalawang ipis na napatay ko kasi parang **human centipede ang drama nila.
Magkadugtong kasi sila... sa pwetan... idodrowing ko:


Ganyan LOL
Pero feeling ko normal lag sa kanila 'yan... Ganyan siguro sila errm mag-coitus, parang aso lang na patapos na mag-coitus.
Okay coitus talaga?

Huli ko silang namataan na ganito na ang hitsura (kasi ayaw ko sa ipis, binaygon ko na sila agad rf: di ako takot sa ipis, flying man o hindi)

Here:

Oo nakabaliktad at nagwi-wiggle sila paalis sa isa't-isa. 
Ang drama nila e parang... 
idodrowing ko na lang with the speech bubble
paras mas errm cute:


Aaaand after 3 minutes, patay na silang dalawa :'(



Anyway, kakaiba din si ipis number 3 dahil parang may baby ipis siya sa wet-pu.
And so I shall draw:

Ganyan.
Pero joke lang, nung tinitigan ko, itlog pa lang pala 'yun, ile-lay pa lang niya kaso naabutan siya ng kamandag ng baygon ko este namin.
Di ko na din alam kung napatay ko siya...
Kasi nung binalikan ko na siya, di ko na siya nakita.


Si pang-apata ang nakakatawa sa lahat.
May limang minuto din akong nakikinig sa ilang kaluskos eh.
At ayun, nakita ko siyang pinapanood ako.
With vengeful eyes, nagtitigan kami.
Vengeful kasi palagay ko napanuod niya ang buong massacre trip ko.
And so again, I shall draw:


Mataas ang kabinet FYI.
At kung sa viewpoint ko eh ganito ang hitsura niya at dadagdagan ko na din ng speech bubble para cute.



At nung nakita ko siya, di na ako nagdalawang isip pa at pinatikim ko na din agad sa kanya ang kamdag ni baygon almighty.
Una ang ulo niya, syempre.

At ayun, nasa heaven na silang apat.
Matutulog na ako.

Amen, Hallelujah!

1:15 a.m.

--------------------------------------------------------------

* Yeah, kaya nga memoir eh haha nakatambay siya sa drafts ng tumblr ko, dito ko na lang ipo-post kasi dito naman na ako lagi online

* *Human Centipede - Actually, The Human Centipede 'yun, isa siyang horror film.. dutch ata. Mas okay ang second part nun, kung trip mo panuorin hehe.

NOTES:

Di ako magaling mag-drawing.
and FYI di ganyan katataba ang ipis dito sa bahay, malnourished sila dito.

At kung nagtataka kayo kung bakit ang dami bigla, ay dahil
nag-baygon kami noong hapon
nabulabog sila siguro
tapos nagsilabasan nung tulog na kami
malas lang sila at naabutan ko sila


No comments:

Post a Comment