I don't like my mom as person... or as a mother or the other way around or whatever.
Di ko pa alam pero sana masabi ko na bago ko matapos 'tong post na 'to.
Nakakainis yung nanay ko (pero di ko dapat sinasabi ko pero nga siguro ay ayaw ko sa kanya as a person) Kasi soooobrang sensitive niya at di siya magaling mag-adapt sa mga tao sa paligid niya. Siya yung tipo ng tao na galit sa madaming tao pero di niya alam na ganun din siya... I mean, kung anong ayaw niyang ginagawa ng tao eh ginagawa din lang naman niya. Pero kung iisipin mo nga naman, ganun tayong mga tao, naiirita sa kung anong meron sa ibang tao na meron din tayo. Galit ka sa mayabang, ibig sabihin ay mayabang ka, parang ganun.
Nakakainis yung nanay ko as a mom kasi... Di niya gets ang RESPECT. Di niya gets na dahil nabastos siya ng anak niya (pero sinasabi niyang nabastos siya dahil sensitive nga siya masyado) eh pwede na niyang bastusin ang anak niya. Nakausap ko nga yung bunso naming kapatid at napansin din niiya yun. Gusto ko ngang sabihin sa nanay ko na "di dahil anak mo kami ay pwede mo kaming bastusin" Nakakainis kasi yung parang pyramid ng bawat pamilya sa mundo.. yung pinaka mataas ang nagtatarabaho sa pamilya at dapat galangin mo siya kahit na nababastos ka niya *sigh* gets mo?
At napaka unfair niya, may favoritism siya (pero alam ko naman din na may favoritism ang mga magulang kahit na sabihin nilang wala) pero iba yung kanya kasi pag kaming magkakapatid may nagawang masama sa kanya, yung mas nakakatanda ang apektado kahit na mas malaki ang share sa blame nung ibang kapatid. Para akong shock absorber ng mga kasalanan ng iba pa niyang anak. Maybe she is a bad parent after all.
Tapos paulit-ulit siya pag nanenermon. As in magsasawa ka na lang tapos mapapasabi na lang ako ng "paulit-ulit ka na" tapos siya uulitin na lang niya ulit. Feeling niya gaganahan yung mga anak niya na sundin siya pag yung paulit-ulit niyang sinasabi ang isang bagay. Ma-pride pa man din ako na as in yung kunwari na feel ko maghugas ng plato, pag inutusan mo ako, di ko na feel maghugas kasi inutusan mo na ako, parang ganun.
Pero dahil marunong ako mag-adapt, ewan ko, nasanay na lang ako sa kanya. Thank god I have a nice dad. Tatlong beses na akong muntik mapatay ng mom ko nung bata ako. At nagagawa niya yun dahil di siya marunong umintindi at makinig, unlike my dad. Siya yung magdadahilan ka palang eh "bastos" na bata na ang turing sa'yo. Tapos kaya sa daddy ko na ako nagdadahilan ngayon eh, naiintindihan niya ako at pag yung feeling ng tatay ko ay ako ang mali, sinasabi niya, sinasabihan niya ako. He thinks before he acts. Nanay ko ewan ko ba haha parang gunman... mas masahol pa nga sa gunman kasi inuutusan yung gunman para pumatay. Wala siyang control.
I blame my mom's dad, asshole ang lolo ko, magkapareho sila.
Ang weird nga kasi nga ayaw ng mom ko kung paano siya napalaki ng sampu pa niyang mga kapatid pero di siya aware na nagagaya na niya ang tatay niya.
Tawag ko nga kay mommy ngayon eh Maricel, drama queen eh. KAMUKHA PA NI MOMMY SI MARICEL.
Let's set things clear. Di dahil I dislike her bilang tao o mommy, that doesn't mean na hate ko siya... I love my mom. At alam kong kasalanan ko din kaya nati-trigger ang ganung behavior niya, pero mali nga talaga ang reactions niya.Eh graduate pa man din siya ng Psychology.
Ah whatevs, di ko na lang papansinin ang shortcomings niya bilang mommy.
No comments:
Post a Comment