nth blog of a nympho who's addicted to tildes and commas (her favorite punctuation marks ever)
Thursday, November 15, 2012
simsimi daw hahaha
Noong Wednesday may pinuntahan akong binyag, binyag ng anak ng pinsan ko. Kester ang pangalan nung baby. Kathlyn pangalan ng pinsan ko, Lester yung asawa kaya naging Kester. Okay naalala ko tuloy yung pangalan ng baby ni Katrina Halili at nung si Chris Lawrence dude (kris or chris? nvm) tapos pinangalan nila sa baby nila eh Katrence. Ambantot wtf.
Chelsea... pano pag naging asawa ko eh Edd Garfield tapos korni siya?
Pangalan ng anak namin Cheddar?
(yung si "simsimi" pala na yan eh isang cookie galing sa Max's parang token or something siya sa binyag... at isa siyang sisiw haha)
UGH. Seryoso ang cute ni PJ (nickname ni baby) Galing sa pangalan ng kapatid ni ate Kathlyn na mentally retarded. Si Paw-paw.. so PJ, Paw-paw junior haha. Mahal ko yung pinsan ko na 'yun, jolly, jolly person.
Dinescribe sa nobela ni Patrick Süskind na babies "don't smell the same all over, although they smell good all over... Their feet for instance, they smell like a smooth warm stone - or no, more like curds... or like butter, like fresh butter. And their bodies smell like... like a pancake that's been soaked in milk. And their heads, up on top, at the back of the head, where the hair makes a cowlick,... There, right there is where they smell best of all. It smells like caramel, it smells so sweet, so wonderful. Once you've smelled them there, you love them whether they're your own or somebody else's ..." - Jeanne Bussie
Ugh, ang galing talaga ni Süskind. Kaya ko paborito ang Perfume: The Story of a Murderer niya. Ang galing niya mag-describe. At tama ang pagka-describe niya. Habang binabasa ko yung libro, naluluha ako kasi tama yung mga nasasabi niya.. kahit na di ko pa naaamoy yung ibang odour na nabanggit niya sa libro, parang naamoy ko ang mga yon out of the book, the odours hmm goodness.
Pumunta ka sa bahay ng may bagong panganak na baby, amoy pugon... Si baby Kester (sa likod ng tenga lang ako nanininghot ng babies eh) amoy lumang libro siya.. yung amoy nabubulok na kahoy... medyo maasim? tapos haluan mo yung amoy na yun ng amoy ng butter at gatas. Yun.
Sabi ng ate ko iba-iba talaga ang amoy ng mga baby, kaming magkakapatid daw mabango (pero ewan, baka kasi nababanguhan lang siya dahil galing kami sa iisang nanay?) Anyway, sabi din naman ng aunt ko, na amoy gatas kami, na binabalik-balikan ng mga kamag-anak ang bahay noon dahil amoy pugon. Anyway, may mga mababahong bata daw, malansa, ganun... amoy singit haha
Babies are osom, osom, OSOM.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment