Thursday, November 29, 2012

Bigla kong naalala yung nakakatawang nangyari sa pinsan ng klasmeyt ko dati, nagamit niya bilang shampoo yung lactacyd. Akala niya daw shampoo kasi mabango naman daw.
huhu

wut korni ang feels ko ngayon eh

Nakita ko nanaman yung crush kong bata kanina sa school.
Di ako sigurado kung ilang taon na siya... hmm 18 ata? or 17? ewan talaga.


Erhem. Di nga talaga ako mahilig sa mga mas bata sa akin at kahit nga kasing edad eh.
Kasi ewan, parang ang... ugh di ko lang talaga ma-imagine. Parang ang landi ng dating na ewan?
Ewan, pagiisipan ko kung bakit ayaw ko.

oo picture na kasama ang gf niya para feeling ko eh sa mukha nung babae ko sinasabi ang laman ng post na 'to. oh shit ang haba ng caption.
There.
Yung lalaki ah? Di yung babae. Goodness.
Isa lang naman err dalawa lang naman ang gusto ko sa kanya.
Una dahil sobrang palangiti siya as in forever na atang ^ganyan ang hitsura niya.
Huhu tapos pag nakakasalubong ko siya yung feeling ko eh yung nasa gitna ng naha-halakhak at normal na ngiti lang.
So parang ang hitsura ko eh smuggish na perverted... maniacal na lang.
At pangalawa eh dahil sa smart siya.
Magaling sumagot ng mga tanong.
Okay weird.


ay shit, isa pang rason! ang ganda ng boses niya huhu

Kaso ayaw ko sa kanya dahil:
- Duh nagji-gym siya.
- mahilig siya sa mga cross-breed hahaha okay, gaya nung girlfriend niya ngayon na half irish, i think? tapos yung isang psych major na ex niya eh half.... dutch? hahaha okaaaay
- ang baduy niya pumorma, ugh
Bago matulog, iisipin mo siya.
Mag-iimagine ng kung anong mga bagay na gusto mo na ginagawa niyong dalawa.
Pagkatapos mong isipin ang mga kaaya-ayang bagay na mga 'yun, mas lalo kang mahuhulog sa kanya.


Yes, ang korni, i know.


Makikita mo siya sa kung saan, maaalala mo yung mga bagay na inisip mong ginawa ninyo, mga bagay na inimagine mo lang naman pero mukha kang tanga kasi inlab na inlab ka sa taong 'yun kahit na wala naman siyang ginawa sa'yo o nagawa sa'yo.


There.
Iniisip ko bago matulog na sa ibang siya na ako may gusto.
Dun na ako may gusto sa iniimagine ko na siya at hindi sa kanya.
Ang sad.

Wednesday, November 28, 2012

gusto kong makipag-hug
kiss
makipag-necking
ugh necking
necking is osom
ugh nhohorny ako
ugh nasa school ako
ayoko na maging babae
gusto ko talagang makipag-necking
ugh long, smooth necks
rough necks, rough with hair spikes or whatevs
necking sa shower
sa kama
ugh

Tuesday, November 27, 2012

Nakakairita na kapag papel ang kaharap ko, mas naeenjoy kong mag-sulat pero pag etong laptop o kaya PC sa bahay, wala, walang lumalabas sa utak ko.
Ang dami kong gustong i-share kaso pag nakaharap na ako sa techie stuffs, wala na yung nasa isip ko.

Anyway, andito ako sa DOST office ngayon kasama ang tatlo pang mga kaklase ko na kasama kong nago-OJT dito, nagbabasa sila ng libro err joke lang, tulog pala yung dalawa at yung isa eh nagbabasa.

Nawawalan na ulit ako ng gana na mag-online, mag-blog blahblah. Ewan ko ba pero kasalanan lang 'to ng errm ~*mens*~.

Ah gahd ang ganda niya. Kung lalaki ako, siya siguro lagi kong iniisip pag nagfa-fap. Ok schoolmate ko siya nung hayskul... may pagka-palengkera siya... gusto ko lang siya sa pictures hahaha


Okay anong konek?
Anyway ayun may naisip na akong topic: Girls.

Madami akong crush na babae as in yung crush na i-go-gaga-for o yung tipong blahblah
mahilig ako sa mga petite na mapuputi na makinis na may katamtaman-malaki pero yung kaaya-aya pa rin namang tignan... ayaw ko sa may mga malalaking pwet... Pag babae tinitignan ko, una kong tinitignan (okay, after ng mukha) eh yung collar bones, jaw then boobies, balakang... tapos pag nakatalikod na yung tinitignan ko (pag naka skirt or short shorts) eh yung part ng likod ng tuhod... yung creamy area ng skin dun... pag maputi gusto ko at di mascular ang paa pero may konting bulk pa rin.


Yeys i know, all physical.


Pero pag lalaki never kong... okay who am i kidding? haha siguro eh hmmm 30% ng physique ng lalaki eh tinitignan ko muna bago siya magiging "pasok" sa taste ko. 
More on the olfactory ako eh... at sa errm uhh sensory.... somatic ba yun? basta yung may koneksyon sa nararamdaman ng kamay ko and all.

Gusto ko sa lalaking di mabaho di naman din yung mabango dahil sa pabango pero yung lalaking... walang amoy. Yun.

Gusto ko sa lalaking hairy... yung may magaspang na mukha dahil sa uhmmm balbas na bagong ahit blahblah yung rustic ang dating uhhhhhhh ang sexy huhu. Pero di naman yung king-kong type na pati ilong hairy. At goatee na ang drama, ang pangit ng goatee... gusto ko pa rin nung shaved pero rustic nga ang dating hah!


Okay sa physical aspects naman, gusto ko yung matngakad at least hmmmmmm 5'8? 5'5.5 ako eh tapos voluptuous... yep at hindi chubby as in yung as in snorlax uhhh gahd tapos mabango huhu.
Fan nga pala ako nung mga tipong chinese nerds na mataba na nagva-violin? hahahahahahaha yung mga tipong ganun pero nope, i hate chinese peeps. as in hate (most of 'em)


Lalaking alam kung kailan titigil sa pagsasalita (ayoko sa mga madadaldal) lalaking nakakatwa pero nakakatawa di dahil sa hilig niya sa green jokes at dahil tanga siya. Lalaking marunong lumangoy


at


yung lalaking makakapag-introduce sa akin ng mga bagong bagay (na maganda, syempre)


Yun, sa totoo lang, yung huling rason ko lang naman talaga ang pinaka-importante sa lahat. Kaya siguro mahilig ako sa mas matanda sa akin. Paborito kong edad eh yung mga 23 years old... mga ka-batch ng ate ko. Sila yung paborito kong batch ng mga tao eh, ewan ko ba... may something sa kanila na kakaiba.
:$

Werk

Nakailang trabaho na din ako mula pagkabata hanggang ngayon.
Nagtinda ng papatuok sa tapat ng bahay, nagbenta ng streetfood sa tapat ng bahay, nagbenta ng embensyon sa school noong elementary, nagbenta ng sariling gawa na komiks sa school. You know, oh shit... actually di trabaho kundi business yung mga nagawa kong yan eh.

Okay so, isang beses pa lang pala ako nagkaroon ng trabaho.
Iilan lang nakakaalam nun eh hahaha
Naging spammer ako.
Yep isang spammer.
Hindi spammer na gaya mo, nope, di ako nagpapa-cute.
Naging isang professional spammer ako nung uhmmm 3rd year collge student ako.
Spammer na sumasahod talaga.
As in yung naga-advertise ng plumbing shit and viagras online?
Yeah.


Sa hmmm isang buwan sumusweldo ako ng 800-2ooophp pero natigil din ang lahat nung lumipat na sa mandaluyong ang boss namin.
Ang sarap ng buhay pag sumesweldo ka at estudyante ka.
Grabe.

Pero namumulubi na ulit ako ngayon. Pero may naiwan naman na 1,5oo sa huling sweldo ko hehe

Saturday, November 24, 2012

R-18 (sorry kids, and kids at heart) (SKIP THIS)

90% of the time eh naka-mute pag nanunuod ako ng porn
minsan ko lang pinapakinggan, pag yung sa unang panunuod
pag yung napanuod ko na, sa susunod na beses na papanuorin ko naka-mute na

kasi nakakairita yung ingay nila
kaya di ko hilig yung porn na scripted
gusto ko yung nakalimutan ko na yung uhhh
ah amateur
yun, amateur
kasi di OA yung nagsesex
i mean, kamon, di nakakatuwa yung ingay
at nkaka-turn off yung lalaking maingay
kung ako man nakikipag-sex at partner ko maingay, the eff
papatungan ko ng unan yung buong pagmumukha niya
ewan parang nakaka-ilang

again, sasabihin kong di ko pa nararanasang makipag-sex
*sigh*
^ di yan sigh na "*sigh* dapat may ka-sex ako" kundi "*sigh* ilang beses ko nang sinabi na di ko pa natatry"
at promise isheshare ko kung meron na hahahahaha
okay
uhhhh open ang family ko sa sex, pag may sex scnes, kiber lang... pero minsan nao-awkwardan pa ako pero madalang na pero palagay ko yung dalawang kapatid ko na mas bata sa akin eh super awkward pa ang dating
at gago di naman yung open na napapanuod namin yung mga magulang namin na you know
yuck shit
ayoko na isipin
kaya kahit na katabi kita at naunuod ka ng kung ano, wala lang sa akin yun
di din naman ako yung manyak na lagi nanunuod and shit
yung normal lang
masaya maging normal

MAy klasmeyt ako na babae na mas matanda sa akin ng isang taon, noong 2nd year college na kami, na-encounter niya yung salitang "fuck" sa philosophy class namin.
Nagulat ako na bigla siyang bumulong sa akin ng "Chelsea, ano yung fuck?"


As in wala kang idea kung anong naging reaksyon ng utak ko nun
kinilabutan ako
as in
tapos nasigawan ko siya ng "Gago seryoso ka?!"
tapos parang napatingin sa akin yung ibang klasmeyt ko haha sa sobrang gulat ko
tapos sinabi ko na lang sa kanya na bad word yun

di ko kayang sabihin na yung fuck eh yung... yun


ayaw ko nga pala nung mga tagalog na sexual words like kantot, pechay.. ang... ang...
ang cheap?


Balik tayo sa topic na "ingay"
napagusapan naming magkakabarkada yung nakwento ng ate ng kabarkada ko
haha kinuwento ng ate niya sa kanya na tuwing nagsesex sila ng boyfriend niya, nag-uusap sila na as in casual na pag-uusap lang na as in parang ganito:

*guy's humping girl, doggie style* babe, wala na ata tayong ketchup at toyo? punta tayong grocery mamaya?
*girl moans and humps back* ah wala na ba? wala na din ata tayong shampoo eh... sige mag-grocery tayo


AHAHAHAHA
seryoso?
ang galing... feeling ko di ko kayang makipag-kwentuhan while doing it
parang multi-tasking ang dating eh *shrug* malalaman


and ayun, ingay pa ri... pero di naman sa "ingay" more like... a sound...
gusto ko yung tunog ng errm may errm charm sa akin yung tunog na nagagawa pag yung
eto sabi sa novel ni Meg Wolitzer:
"he's impressed by the way their interlocking parts emit little, rhythmic clicks, like a distant secretary's heels walking across linoleum."

Ang ganda nung tunog na ganun.
Kaya sa porn, yung 10% na pakikinig ko ay dahildun sa tunog na 'yun.
parang delicious ang dating... wtf no, di delicious wtf... hmmm kjwan...
basta maganda

blah blah

shit
andito na ang parents

Friday, November 23, 2012

The Ipis Experience with Baygon Almighty and Yours Truly: A Memoir

May 19, 2012
12:57 a.m.

*This is a true story.

Anong oras na.
Di ako makatulog, dahil din siguro sa kapeng ininom ko kanina.


Anyway, nakapatay ako ng apat na ipis gamit ang mahiwagang baygon.
May napansin ako sa unang dalawang ipis na napatay ko kasi parang **human centipede ang drama nila.
Magkadugtong kasi sila... sa pwetan... idodrowing ko:


Ganyan LOL
Pero feeling ko normal lag sa kanila 'yan... Ganyan siguro sila errm mag-coitus, parang aso lang na patapos na mag-coitus.
Okay coitus talaga?

Huli ko silang namataan na ganito na ang hitsura (kasi ayaw ko sa ipis, binaygon ko na sila agad rf: di ako takot sa ipis, flying man o hindi)

Here:

Oo nakabaliktad at nagwi-wiggle sila paalis sa isa't-isa. 
Ang drama nila e parang... 
idodrowing ko na lang with the speech bubble
paras mas errm cute:


Aaaand after 3 minutes, patay na silang dalawa :'(



Anyway, kakaiba din si ipis number 3 dahil parang may baby ipis siya sa wet-pu.
And so I shall draw:

Ganyan.
Pero joke lang, nung tinitigan ko, itlog pa lang pala 'yun, ile-lay pa lang niya kaso naabutan siya ng kamandag ng baygon ko este namin.
Di ko na din alam kung napatay ko siya...
Kasi nung binalikan ko na siya, di ko na siya nakita.


Si pang-apata ang nakakatawa sa lahat.
May limang minuto din akong nakikinig sa ilang kaluskos eh.
At ayun, nakita ko siyang pinapanood ako.
With vengeful eyes, nagtitigan kami.
Vengeful kasi palagay ko napanuod niya ang buong massacre trip ko.
And so again, I shall draw:


Mataas ang kabinet FYI.
At kung sa viewpoint ko eh ganito ang hitsura niya at dadagdagan ko na din ng speech bubble para cute.



At nung nakita ko siya, di na ako nagdalawang isip pa at pinatikim ko na din agad sa kanya ang kamdag ni baygon almighty.
Una ang ulo niya, syempre.

At ayun, nasa heaven na silang apat.
Matutulog na ako.

Amen, Hallelujah!

1:15 a.m.

--------------------------------------------------------------

* Yeah, kaya nga memoir eh haha nakatambay siya sa drafts ng tumblr ko, dito ko na lang ipo-post kasi dito naman na ako lagi online

* *Human Centipede - Actually, The Human Centipede 'yun, isa siyang horror film.. dutch ata. Mas okay ang second part nun, kung trip mo panuorin hehe.

NOTES:

Di ako magaling mag-drawing.
and FYI di ganyan katataba ang ipis dito sa bahay, malnourished sila dito.

At kung nagtataka kayo kung bakit ang dami bigla, ay dahil
nag-baygon kami noong hapon
nabulabog sila siguro
tapos nagsilabasan nung tulog na kami
malas lang sila at naabutan ko sila


bangungot na lang

Alam niyo yung feeling mo na kakapikit mo pa lang tapos tulog ka na agad tapos magigising ka na di mo magalaw yung buong katawan mo tapos minsan dilat yung mata mo tapos takot na takot ka na kasi kasabay pa nun eh nananaginip ka ng nakakatakot
tapos magiging sobrang aware ka na na di mo na talaga kayang magalaw yung katawan mo at dilat na yung mata mo at nakikita mo na yung paligid mo tapos ang kaya mo lang kontrolin eh yung pagdilat ng mata mo, pag-galaw ng eyeballs mo at pag-hinga mo?
*phew*
lagi, laging nangyayari sa akin yan
siguro errrm 4x a week
tapos sa isang tulugan eh 3-5 times na nangyayari yan


yung tipong "ah shit, finally, nagagalaw ko na paa ko"
nakalimutan ko na ang tawag sa ganyan huhu
anyway, pag nagaganyan ako ang una kong ginagawa syempre idilat mga mata ko
then galawin yung fingers and toes pero di ko kaya kaya isusunod ko yung pag-bilis ng pag-hinga ko
tapos pipilitin kong gumawa ng sounds, moan or groan or something


tapos ang weird eh nasabi sa akin na tulog ka din talaga sa buong process na yun
ameyzing no?
tapos magigising ka ulit tapos makakatulog ka ulit sa pagod tapos mangyayari ulit yung buong fucking process

feeling mo dilat talaga yung mata mo pero hindi
ooooh aylabet


ang engot ko nga eh kasi kine-crave ko ang ganyang errm pangyayari pero pag andun na ako, nangyayari na sa akin, inuunahan ako ng utak ko na makagalaw and shit
---------------------------
ikukwento ko yung panaginip ko bago mangyari yan


Zombie Sadako na may mabait na sister
Oo na nakakatawa pero seriously pag napapaginipan mo na, di nakakatuwa at malayong di nakakatawa
anyhoo
Nasa lower magsasay (baguio) ang setting madilim and shit tapos si Sadako kinain na niya yung buong pamilya niya... well, almost dahil tinira niya yung kapatid niya na babae kasi sa kanya na lang siye pwedeng mag-feed, nagaala-vampire siya lol
tapos eto natawa na ako kasi childish err este puppy-ish si sadako haha kasi parang aso nga, tatalon-talon pag nakikita na niya yung kapatid niya and shit tapos pinapanuod ko sila haha tapos chenen, magigising na ako tapos nahihirapan na ako makahinga and evrythinh


oh well, notebook


anyhoo ulit pag ako nananaginip laging zombies at tsunami at open waters (minsan madumi, minsan hindi) sex (ang weird nga kasi di ko pa nasusubukan makipag-sex pero nakakapanaginip ako ng ganun) (at ang weird ng partner/s ko o nung pinapanuod kong nagsesex) *shrug*

Thursday, November 22, 2012

+ nasa point na ako ng hobby ko sa koneksyon ng mga libro na naa-adik na ako. shit. as in pag nasa mapagpanggap na book sale ako kahit ilang beses ko nang nakita yung mga libro dun, binabalikan ko pa rin tapos pag nakauwi na ako iisipin ko na "Chelsea, OA ka na" tapos pag di ako nakakapunta sa bookstore pag yung nagmu-muni-muni na ako tangina iniisip ko na "shit dapat pala pumunta ako" tapos mase-stress na talaga ako tapos mago-organize na lang ulit ako ng organized naman na bookshelves ko. Shet, ayoko na. Natetempt nanaman nga ako na pumunta ulit kasi tapos na yung meeting dito sa school hahaha
shet.
Gusto kong pumunta sa Red Lion sa Baguio, super interested ako sa kwento ng ate ko na pwede kang makipag-swap dun ng libro, libreng magbasa dun and shit.

Noong highschool ako hmm nung 1st year hs ako, nung sobrang naadik ako sa pagbabasa ng manga, iniisip ko na gusto ko ng ganung business, parang sa Red Lion. Ang saya omg. Tapos may book club ganun, waaaah
libro, libro
ang bango nilang lahat
lalo na yung mga sobrang luma
hmmm
bored ako, blogger lang at goodreads ang naka-open na sites, bawal fb at tumblr, at di ko na alam yung lensblr user eklat para makapag ala-curator ulit ako. (nasa library ako ulit ng school)
Lilipat ako ng unit 
Nasubukan niyo na yung sa una eh soibrang galit ka sa isang tao tapos hanggang ngayon eh galit ka pa rin sa kanya tapos sa sobrang tagal na nung galit mo sa kanya, ngayon eh di mo na alam yung dahilan kung bakit ka galit sa kanya.

Monday, November 19, 2012

People call him "Au"
I dislike his whole name.
I used to call him "Clyde"
He used to call me "Bonnie"
You know, the two infamous couple?


Lingsat - Plaza Plaza - Relocation/Bauang/Pagdalagan/Agoo

Nvm the title.
DAY IN @s:
@ First day of OJT sa DOST (Department of Science and Technology:
- sinasabi nanaman ng mga tao na nakakabasa kami ng kung anong nasa isip nila
- sabi ng pinaka boss namin na nagbabase daw kami ng kasamaan ng tao sa pangit ng mukha
- sabi ulit ni big boss na ... sasabihin ko dapat pero nakalimutan ko na hahahaha
- tinuring kami na parang baboy na pinipilit na patabain... or binusog na pusit na lang kasi grabe sila magpakain! mga ilokano talaga, kain nang kain.. o mga pinoy lang talaga. TATABA AKO DUN
Big boss looks exactly like this:
'cept that boss is brown

@ Napansin ko yung buhok ko na Hagrid-ish na ulit oh wait para naman mas maganda- Yoko Ono-ish na ulit yung buhok ko pero gusto ko naman. Kaso may bangs ako kaya di cute.
@ Nagdalawang isip ako kung dadaan ako sa bookstore pero di na kasi kailangan kong mag-poop
@ Nung nasa jip ako:
- May nag-freakout na babae kasi may nagbanggaan na tric.. ang OA niya, kulang na lang tumalon siya palabas ng bintana nung jip
- May lalaki na nakatayo sa gitna ng bakanteng lote at umiihi siya dun... Napaisip naman ako na siguro ay pag lalaki ako, hindi ako iihi nang against the wall kasi feeling ko tumatalsik pabalik yung sariling mong wee wee sayo... bumabanda, parang ganun
Chelsea, take note: MUST ASK GUYS KUNG BUMABANDA ANG WEE WEE TO SELF
- Nakasabay ko yung saksi ni jehovah freakazoid na schoolmate. OKAAAY di siya freakazoid, masama lang talaga ako.. anyway, i like her kasi maganda siya at napaka independent, siya yung pumili ng sarili niyang religian and all. Anyway, kasama ko siyang nagbabible study noon (na ako din ang nagpasimula kasi di ko gets ang diyos, parang love hahaha) Tapos nagbigay siya sa akin ng saksi ni jehovah book (pangalawa na 'to) una yung thingy 'bout creation vs. evolution tapos ngayon eh "questions young people ask answers that work volume 1" tinanggap ko kasi di ako tumatanggi ng biyaya and because ineterested ako sa nabanggit niya na makakatulong yun sa course ko... pero sa counseling pala.
- Napansin ko yung mga ginagawa nating mga tao pag yung may nakasakay kang kakilala mo (sa jip) tapos nasa dulu't-dulo kayo tapos kailangan mong sumigaw para magkaintindihan kayo tapos ang awkward pag ikaw yung nasa gitna nung mga naguusap. Blah blah di 't post about sa jip kaya, stfu chelsea.

Thursday, November 15, 2012

Kasabawan at kababawan in one

Binasa ko this month yung The Secret Garden at The Wonderful Wizard of Oz.
Ang babaw ng kwento nung dalawa (malamang kasi Children's book) pero ang ganda, sobrang ganda, naluluha-luha pa ako habang binabasa.

Haha ewan ko ba pero pag nakakapagbasa ako ng Children's book, natutuwa ako.

Sa The Secret Garden, naluha-luha ako dun kasi mahilig ako sa mga halaman... Nung binabasa ko yun feeling ko ako yung nagtatanim sa garden hahaha Parang bigla din akong nakaramdam ng awa sa sarili ko kasi pangarap ko talagang makapag-tanim ng mga halaman. Pero hanggang munggo lang kaya kong itanim na tumutubo! HUHU
shet ang babaw ko.
Pero nga di ako fan ng cut flowers... yung mga binibigay ng boys sa mga girls.. ang boring ng halaman pag yung patay na... gusto ko nakatanim... yung buhay... *sigh* kung magkakaroon man ako ng boyfriend, sasabihan ko siya na live plants ang ibigay niya sa akin instead of those boring cut flowers.
Pag may sarili na akong tirahan, magiipon muna ako ng mga cactus weee, ang cute nila.

Sa The Wonderful Wizard of Oz naman... una, bago ko iexplain kung bago ako napa-emote nun, nagtataka lang ako kung bakit ganun ang title eh walang kwenta naman yung Wizard... sana The Wonderful Emerald City na lang o kaya The Great Pretender- The Wizard of Oz LOL
okay pero di ako yung author kaya whatevs.
O kaya Wishing for what all we already have.


okay tama na nga
ang babaw.


Okay naluha-luha ako dun kasi ang dami kong na-relearn... erhem i mean mas naintindihan ko dun yung mga napag-aralan ko nung bata ako.... Tapos medyo naawa ako kay Dorothy...
OKAY







simsimi daw hahaha


Noong Wednesday may pinuntahan akong binyag, binyag ng anak ng pinsan ko. Kester ang pangalan nung baby. Kathlyn pangalan ng pinsan ko, Lester yung asawa kaya naging Kester. Okay naalala ko tuloy yung pangalan ng baby ni Katrina Halili at nung si Chris Lawrence dude (kris or chris? nvm) tapos pinangalan nila sa baby nila eh Katrence. Ambantot wtf.

Chelsea... pano pag naging asawa ko eh Edd Garfield tapos korni siya?

Pangalan ng anak namin Cheddar?

(yung si "simsimi" pala na yan eh isang cookie galing sa Max's parang token or something siya sa binyag... at isa siyang sisiw haha)






UGH. Seryoso ang cute ni PJ (nickname ni baby) Galing sa pangalan ng kapatid ni ate Kathlyn na mentally retarded. Si Paw-paw.. so PJ, Paw-paw junior haha. Mahal ko yung pinsan ko na 'yun, jolly, jolly person.






Dinescribe sa nobela ni Patrick Süskind na babies "don't smell the same all over, although they smell good all over... Their feet for instance, they smell like a smooth warm stone - or no, more like curds... or like butter, like fresh butter. And their bodies smell like... like a pancake that's been soaked in milk. And their heads, up on top, at the back of the head, where the hair makes a cowlick,... There, right there is where they smell best of all. It smells like caramel, it smells so sweet, so wonderful. Once you've smelled them there, you love them whether they're your own or somebody else's ..." - Jeanne Bussie

Ugh, ang galing talaga ni Süskind. Kaya ko paborito ang Perfume: The Story of a Murderer niya. Ang galing niya mag-describe. At tama ang pagka-describe niya. Habang binabasa ko yung libro, naluluha ako kasi tama yung mga nasasabi niya.. kahit na di ko pa naaamoy yung ibang odour na nabanggit niya sa libro, parang naamoy ko ang mga yon out of the book, the odours hmm goodness.


Pumunta ka sa bahay ng may bagong panganak na baby, amoy pugon... Si baby Kester (sa likod ng tenga lang ako nanininghot ng babies eh) amoy lumang libro siya.. yung amoy nabubulok na kahoy... medyo maasim? tapos haluan mo yung amoy na yun ng amoy ng butter at gatas. Yun.


Sabi ng ate ko iba-iba talaga ang amoy ng mga baby, kaming magkakapatid daw mabango (pero ewan, baka kasi nababanguhan lang siya dahil galing kami sa iisang nanay?) Anyway, sabi din naman ng aunt ko, na amoy gatas kami, na binabalik-balikan ng mga kamag-anak ang bahay noon dahil amoy pugon. Anyway, may mga mababahong bata daw, malansa, ganun... amoy singit haha


Babies are osom, osom, OSOM.



Tuesday, November 13, 2012

Masamang Damo

Muntik makunan ang nanay ko nung dinadala niya ako.
Nagtatampisaw siya sa dagat noon tapos nagbukas ng ilang centimeter yung anong tawag dun
yun
tapos dinugo pa ata siya
pero ayun di natuloy
(bago ako nabuo, nakunan na ulit si mommy...)

Nanghihingalo na ako dati nung pinanganak ako.
May bronchopneumonia ako noon.
Sabi ng lolo kong nakakabwiset, binyagan na lang ako baka magkaroon ng milagro.
Pero palagay ko pinagawa niya yun para matanggap ako sa libingan.. ang alam ko kasi eh di nililibing ang walang religion? (well, dun sa pinaglilibingan namin)
Naka-revive ako, IMAGINE?
Sa hospital nga ako bininyagan eh.


Muntik na akong malunod sa isang resort noon.
Pero biruin mo, may humila sa akin para maka-ahon?


Muntik na akong mapatay ng nanay ko nung tinulak niya ako sa banyo.
Di ako nakahinga for like... matagal haha


Dati nung suicidal mode ako
hawak ko na yung kutsilyo and all
tapos naabutan ako ng nanay ko na hawak yung kutsilyo
siya: "anong ginagawa mo?"
ako: "ah wala"
siya: "halika, punta tayong bayan, nagtatawag yung lolo mo"
she kinda saved me haha


So far 'yan pa lang naman yung near death experiences ko (actually walang kwenta yung last haha walang damage na nangyari eh). Paborito ko yung bininyagan ako sa hospital with dextrose and shit
Me and Diamond Queen: Maricel Soriano aka Mom oh, baliktad hahaha


funny thought about regrets?
pag bago yun eh nasa dilemma ka
like
"mareregret ko 'to pag ginawa ko 'to gagawin/sasabihin"
or
"mareregret ko 'to pag di ko 'to gagawin/sasabihin"


gaya nitong pag-taglish kong pagsasalita
like
"ermahgerd, pinost ko 'to, nagreregret na ako"
pero pag di ko pinost
"ermahgerd, pinost ko dapat 'yun kasi matagal na akong di nagpopost"

sa lahat ng ginagawa ko sa ngayon lagi na lang may regret na kasunod
or I'm just being too paranoid
takot akong magkamali
pero lagi akong nagkakamali
Kanina pa ako nasusuka pero nung nakakita ako ng picture ng ewok, di na ako nasusuka.
Sumaya pa nga ako eh.
Ewok (from Star Wars? Remember?)

Monday, November 12, 2012

I am a nincompoop.

HUHU
na as in HUUUUUUUU HUUUUUUUUUUUUU na iyak.
Ang boplang ko talaga, ang pathetic ko.
Di ko nanaman kasi nakontrol yung utak ko kagabi at mga daliri ko.


*sigh*
Una sa lahat ayaw ko na sanang nasisingit yung uh... "love" ko.
(may "," kasi di ko alam kung ano ang love pero gagamitin ko pa rin kasi yung nararamdaman ko daw, according sa iba eh "love" daw yun)
UGH ANG KORNI PERO NGA nincompoop ako kaya ipopost ko pa rin

=_='


Sinabihan ko na siya na namimiss ko na siya.


Tapos ayun wala siyang reply.


Tapos di nanaman siya nagpapakita sa akin sa fb... bilang online, I mean.
Naka-hide siya.


Alam niyo kung anong pakiramdam ko ngayon?
Feeling ko na nakakasuka akong tao, unconvincing, stupid, unattractive, overdramatic....


*'Yoko na, huling message ko na talaga yun.





*yun din ang sinabi ko last time, pero anong ginawa ko kagabi????? istupiditi!

Sunday, November 11, 2012

Tinetrain ko yung sarili ko ngayon na titigan pabalik yung mga tumititig sa akin.
Gaya nung isang araw, naabutan kong may lalaking tumititig sa akin tapos tinitigan ko din siya.
Hindi ko tinigilan hanggang sa siya yung tumigil.
Ang awkwaaard nga lang pero masaya.
Sa susunod mag-ge-glare ako o kaya sesenyas ng "call me"
yeah, like this. omg this is perfect
hah! tignan lang natin kung tititig pa ulit yung taong 'yun.

Saturday, November 10, 2012

Umiiyak ako kanina habang kasama ko yung nanay at dalawang kapatid ko. Pero di yung iyak na OA na mahahalata nila... yung luha-punas lang.

Napansin ko kasi na parang may galit sa akin lhat ng nakakasama ko dito, dito sa bahay lang naman. Ewan ko kung bakit pero... basta, wala silang pake sa akin, trato nila sa akin parang utot... yung di nila ako nakikita pero pag napansin ako eh galit sila sa akin.


Pati nga 'yung mga kasambahay namin eh- silang dalawa. Tangina, kung tratuhin nila ako eh parang ako yung kasambahay. Kung utusan nila ako (oo inuutusan nila ako) eh parang ako yung sumisweldo eh di naman ako sumisweldo, tatlong araw na nga akong walang allowance eh. Pag inuutusan ko naman sila, tangina sisimangot pa muna sila, magma-mumble ng kung ano, nagdadabog... yung mga signs of protest kumbaga. Tangina tapos minsan nga eh di nila gagawin, gagawa ng palusot o kaya mas malala di ako papansinin, may mga times na pinapanuod nila ako na ginagawa yung pinapagawa ko sa kanila. Ang nakakairita pa eh makikita mo na nagbabasa lang naman sila ng pocketbook.

Walang rumirespeto sa akin dito sa bahay. Yung mga kapatid kong mas bata sa akin, minumura pa ako minsan.
Sana deaf-mute na lang ako.

#dramarama sa gabi

Kunwari naniniwala ako sa mga demonyo and sheet

Kagabi habang naliligo ako, naisip ko na paano pala kung si Lucifer ang nag-succeed at hindi si God. Tapos si Lucifer na ang pumalit na God. At dahil siya na yung nag-succeed, si Lucifer na ang tumatayong "God" ngayon. Tapos eh di aware ang mga tao na siya na pala ang sinasamba nila. Haaalaaaaaaa.

Anyway, pagkatapos kong maligo at mag-toothbrush and everything, paglabas ko ng banyo, na-kidney punch ako ng doorknob ng pinto ng banyo... nakalimutan ko na may spring na yung pinto.

Tapos nung pipihitin ko na sana yung doorknob ng pinto ng kwarto, muntik nang takbuhan ng ipis yung kamay ko. Tongue in a lung! nagulat ako! buti nga di ako takot sa ipis eh.

Then nung nagbabasa na ako ng libro, hinahanda na ako sa hibernation, naisip ko bigla na... "Oh shit, nagpaparamdam si Lucifer..."

Okay, walang kwentang post, i know.

Retribution

May napansin akong "cute" sa mga tao- pag gumaganti.
Kunwari sa kaso kanina ng dalawang kapatid ko na lalaki:

Mas nakakatanda: *batukan yung mas nakababatang kapatid*
Mas nakababata: *suntok sa binti*
Ako: *biglang singit* bakit mo siya sa binti sinuntok, bakit di mo siya sinuntok sa balls o sa mukha kung saan mas masakit?
Mas nakababata: Di ko alam...

Bakit kaya ganun ang tao kung gumanti, bakit di pa niya bonggahan? haha
Ikaw, kung ganun ka gumanti gaya ng kapatid ko, bakit di mo pa finul-force?



Thursday, November 8, 2012


Okay. Di naman ako na-inspire eh pero nagandahan lang ako. Sana may boyfriend ako ngayon. Ang gusto ko kasing pictures eh nudes at kissing... yung mga intimate na hindi pa-tweetums ah... yung bold siya na as in striking... na pati yung viewers eh makakaramdam ng lust, passion. Ang gusto ko nga eh yung (well, yung naiimagine ko na gusto kong self-portrait) yung nasa kusina ako, may hawak na yosi (lit) naked, black and white... may noise... Hmmm 

Nandito pala ako ngayon sa "research area" ng library namin. Haha pero di naman ako nagreresearch, gusto ko lang talaga gamitin yung libo-libong pinambayad ng parents ko para sa internet at library fee. Feeling naman ng mga estudyante na "libreng" internet 'to. Buti nga eh di alam nung mga technicians ang blogspot... dati nga eh nakakapag-tumblr pa ako pero sumikat na kaya ayun nag-wordpress ako tapos ngayon kasi may mga new found friends (lol feeling) na ako na gumagamit nito, dito na lang ako magpopost.

Sa ngayon ay naghahanap ako ng mga maiikling reads at naghahanap ng inspirasyon para sa film photography ko hehe. Pero habang tumagagal ako dito sa paghahanap ng inspirasyon eh parang nakakadama lang ako ng bitterness kasi ang gaganda ng mga gawa nila masyado. Pero baka edited lang yun haha ma-pride ako, di ako nageedit =_=

Eto pala yung lomography account ko (sa lomography din ako naghahanap ng inspirasyon o "bitterness" kung tawagin ko lol)
thethingamajig
At silang dalawa naman ang pinaka paborito kong lomographers, super bitter ako sa kanila pero parang idol na din haha ang gaganda ng pictures nila:
jennson
ccwu
^ crush ko girlfriend niya, ang sexy eh... i mean di naman yung curvy and shit pero pag nakikita ko yung pictures ng gf niya (na lagi niyang model) ang simple niya na sexy..

Teka maghahanap lang ulit ako ng pwede kong makuhanan ng "bitterness" *wink wink*

The Diamond Star: Maricel Soriano

I don't like my mom as person... or as a mother or the other way around or whatever.
Di ko pa alam pero sana masabi ko na bago ko matapos 'tong post na 'to.

Nakakainis yung nanay ko (pero di ko dapat sinasabi ko pero nga siguro ay ayaw ko sa kanya as a person) Kasi soooobrang sensitive niya at di siya magaling mag-adapt sa mga tao sa paligid niya. Siya yung tipo ng tao na galit sa madaming tao pero di niya alam na ganun din siya... I mean, kung anong ayaw niyang ginagawa ng tao eh ginagawa din lang naman niya. Pero kung iisipin mo nga naman, ganun tayong mga tao, naiirita sa kung anong meron sa ibang tao na meron din tayo. Galit ka sa mayabang, ibig sabihin ay mayabang ka, parang ganun.

Nakakainis yung nanay ko as a mom kasi... Di niya gets ang RESPECT. Di niya gets na dahil nabastos siya ng anak niya (pero sinasabi niyang nabastos siya dahil sensitive nga siya masyado) eh pwede na niyang bastusin ang anak niya. Nakausap ko nga yung bunso naming kapatid at napansin din niiya yun. Gusto ko ngang sabihin sa nanay ko na "di dahil anak mo kami ay pwede mo kaming bastusin" Nakakainis kasi yung parang pyramid ng bawat pamilya sa mundo.. yung pinaka mataas ang nagtatarabaho sa pamilya at dapat galangin mo siya kahit na nababastos ka niya *sigh* gets mo?
At napaka unfair niya, may favoritism siya (pero alam ko naman din na may favoritism ang mga magulang kahit na sabihin nilang wala) pero iba yung kanya kasi pag kaming magkakapatid may nagawang masama sa kanya, yung mas nakakatanda ang apektado kahit na mas malaki ang share sa blame nung ibang kapatid. Para akong shock absorber ng mga kasalanan ng iba pa niyang anak. Maybe she is a bad parent after all.

Tapos paulit-ulit siya pag nanenermon. As in magsasawa ka na lang tapos mapapasabi na lang ako ng "paulit-ulit ka na" tapos siya uulitin na lang niya ulit. Feeling niya gaganahan yung mga anak niya na sundin siya pag yung paulit-ulit niyang sinasabi ang isang bagay. Ma-pride pa man din ako na as in yung kunwari na feel ko maghugas ng plato, pag inutusan mo ako, di ko na feel maghugas kasi inutusan mo na ako, parang ganun.


Pero dahil marunong ako mag-adapt, ewan ko, nasanay na lang ako sa kanya. Thank god I have a nice dad. Tatlong beses na akong muntik mapatay ng mom ko nung bata ako. At nagagawa niya yun dahil di siya marunong umintindi at makinig, unlike my dad. Siya yung magdadahilan ka palang eh "bastos" na bata na ang turing sa'yo. Tapos kaya sa daddy ko na ako nagdadahilan ngayon eh, naiintindihan niya ako at pag yung feeling ng tatay ko ay ako ang mali, sinasabi niya, sinasabihan niya ako. He thinks before he acts. Nanay ko ewan ko ba haha parang gunman... mas masahol pa nga sa gunman kasi inuutusan yung gunman para pumatay. Wala siyang control.

I blame my mom's dad, asshole ang lolo ko, magkapareho sila.
Ang weird nga kasi nga ayaw ng mom ko kung paano siya napalaki ng sampu pa niyang mga kapatid pero di siya aware na nagagaya na niya ang tatay niya.

Tawag ko nga kay mommy ngayon eh Maricel, drama queen eh. KAMUKHA PA NI MOMMY SI MARICEL.
Let's set things clear. Di dahil I dislike her bilang tao o mommy, that doesn't mean na hate ko siya... I love my mom. At alam kong kasalanan ko din kaya nati-trigger ang ganung behavior niya, pero mali nga talaga ang reactions niya.Eh graduate pa man din siya ng Psychology.
Ah whatevs, di ko na lang papansinin ang shortcomings niya bilang mommy.
Di ako alcoholic.
Pero isa sa mga feeling na gustong-gusto ko eh pag yung tipsy ako.
Ayaw ko ng feeling na nalalasing pero pag nasa gitna ka ng pagiging sane at lasing?
Ang ganda, ang saya.
Ang gaan ng sarili mo tapos para kang inaantok tapos di mo ma-kontrol yung ginagawa mo pero aware na aware ka na ginagawa mo 'yun.
Tapos ten minutes lang siya nagtatagal, fun!

Tipsy

i feel woozy
veins shot, eyes shut
alcohol flows
makes my tummy gurgle
acid gives me mild nausea
chips on the side
drink in hand
round the world goes
round goes the computer chair
round and round till i feel no more
splash! there it goes
wasted drink
in the floor it flows
then daddy said "hey, slow your roll"

Ang weird na kino-consider ko ang sarili ko na isa sa mga understanding na tao sa mundo pero di ko maintindihan ang sarili ko.
Gusto ko na mayroon akong permanenteng ginagawa sa buhay- permanenteng hobby, parang ganun. Tapos kumportableako doon blah blah...Parang uhh ang gusto ko eh, malaman ko kung saan ako magaling kasi di ko alam, wala akong alam, di ko pa nga talaga kilala ang sarili ko.

Napunta na nga sa point na parang nanggagaya ako... di naman sa "gaya" pero sinusubukan ko yung ginagawa ng iba, yung mga interesting, ganun. Sinusubukan ko kung swak ba sa akin o kung masasabi kong "oh shet, ako 'to".

You can't really tell na nanggagaya ang isang tao. Ayaw ko nga sa mga taong nagsasabi na madaming nanggagaya, come on people! with so little activities a person can do! Bilang lang kaya. Kaya kailangan na natin ng iba pang activity or sort of like that.

"It is quite important to find the best thing to do. It is much more
important to find something to do." Sabi nga ni Frank Crane.

Wednesday, November 7, 2012

Y's about this blog

Di ko naalam kung pang-ilan na blog ko na ito.
Palagay ko 9th blog ko na 'to.
Pero ang laging active ay yung dalawa kong blog sa tumblr, yung personal at yung sa photography.

Bale ginawa ko'to para makaiwas sa mga taong ka-close ko na dun masyado.
Nakakasakal na madaming kakilala mo ang nakakapagbasa ng posts mo na tila ba e masyadong personal.
Pero dito ko na siguro ipopost lahat ng gugagambala ng aking pagkatao lol awooooo~

Anyway,walaakong pake kung ayaw mo sa mga pinopost ko.
I'm doing this for myself.
Kumabaga ba sa simbahan, eto yung parang lugar na pinagsasabihan ko ng confessions and whatnot.


Dun naman tayo sa URL ko.
pancake-with-underarm-protection ang URL na napili ko (di ba halata?) lol
Kung nanunuod ka ng Eat Bulaga magegets mo yan pero palagay ko ay di ka nanunuod kaya ieexplain ko na din:
Kasi may portion sa EB na parang may bayanihan something na sumusugod sila ng bahay ng isang winner nung portion.Tapos madaming binibigay na prizes sa winner, gaya ng pang-sari-sari, electric fan, rice cooker blah blah. Tapos eh alam mo naman na mga komedyano ang mga tao dun, niloloko nila yung prizes nila kunwari yung gas stove, lolokohin nila tapos gagawin nilang gas stove with baranggay clearance hahahaha wala,natatawa ako pero kumukorni na ngayon pero natawa ako sa microwave oven with underarm protection nila dati. Eh di naman ako mahilig sa microwave, sa pagluluto ng pancakes ako mahilig kaya ayun ganyan ang URL ko.

=_='

Sa Aka naman, mahilig kasi ako sa mga japanese stuff at sa kulay pula.
Tapos nung hayskul ako eh mahilig akong mag-isip ng pangalan na pwedeng ipangalan sa mga magiging anak ko tapos ayun paborito ko yung Aka kasi maikli lang at simple.
Dahil naman wala akong anak eh hinihiram ko muna lol at wala na akong balak mag-anak ngayon... ikukwento ko next time kung bakit.

TTFN
tata for now.