Sunday, December 30, 2012

Last night


Sabi ng ate ko na seryoso na ang pagka adik ko sa mga libro.
Uhmm yeah, nakabili nanaman ako ng limang libro kagabi. Worth 160php lang naman ang nagasto ko.
Uhmm at sabihin mo na na 70php dun eh yung pera na naiwan sa bigay ng daddy ko.

Ito ang nabili ko:
-          @ Moo ni Jane Smiley (worth 25php) May isang gawa na niya na nabasa ko at di ko nagustuhan eh  (Duplicate Keys) pero maganda yung summary niya. Feeling ko ganito din ‘tong gawa niyang ‘to. Parang second chance niya ‘to to amuse me haha kaya ko binili.

-        @   Private Practices ni Stephen White (worth 25php) Di kami close ni White pero na-intrigue ako sa novels niya kasi Clinical Psychology related sila, at clinical psychologist siya. Pagbibigyan ko siya dahil mahal ko ang field ng clinical psychology at suspense/thriller na ayon nga sa genre nay un.
So, balak ko nga na dalawa lang ang bilhin kaso may 20+ pa akong natitirang pera at napili ko na ‘to (at may final judging pa kasi akong ritwal pag namimili ng libro… yung mamimili ka ng madami na feel mo tapos pag pipili ka na ng kasya sa pera mo, yun, gets? Kung di mo gets bobo ka):

-         @  Ribsy ni Beverly Cleary (worth 35php) FAN AKO NI CLEARY gaya nga ng sabi ko dati. At Pang-apat na beses ko na siyang binalikan eh haha kaya kinuha ko na talaga ngayon. At part siya sa series ni Henry Huggins (na kakabili ko lang) kaya binili ko na talaga.

Inalog ko yung purse ko at palagay ko may barya-barya pa akong madami na natitira, so naghanap pa ako:

-         @ The Girls’ Guide to Hunting and Fishing ni Melissa Bank PUTANGINA bumaliktad yung sikmura ko nung nakita ko ‘to AS IN hanggang ngayon nga eh di ako makapaniwalang nakita ko ‘to as in shit. HAHA wala lang, isa kasi sa mga paboritong libro ng isa sa mga paborito kong tao errrm idol na din. At ang presyo? Nagka-cartwheel na *drumrolls* 15php putangina uulitin ko fifteen pesos!!!!!

“Kumpleto na ang buhay ko sa araw na ‘to” sabi ko sa sarili ko. Then ayun, dahil normal na tao ako at may normal na pagiisip, binilang kong muli ang aking pera kung sakto na sa napili kong mga libro.

70php na bills, yehey at… isang baryang 10php… *bilang* tatlong 5php at… *bilang*  PUTANGINA 4php
K  U  L  A  N  G _ A  K  O _ N  G _ K  I  N  G  I  N  A  N  G _ P  I  S  O

*panic mode*
Tangina ang hilarious naman neto, imposible masyado na manyari sa akin ‘to *bilang ulit ng pera*
Tangina 99php talaga

Tangina tingin ako agad sa orasan ng ever so omnipresent kong cellphone. 7:11PM shet malapit na mag-expire yung sulitxt ko (loooooool) tangina nag-text na ako agad sa nanay ko, tatay ko, kapatid ko (dalawa sila) sabi ko:

Una sa tatay ko:
Kulang ako ng piso! Pahiram nga ng piso. Nandito ako booksale.

Tapos sa iba after 5 minutes, tinext ko na sila:
Kulang ako ng piso lol pahiram nga ng piso, nandito ako booksale. Hahaha

Super panic na ako niyan eh kasi ang tagal nilang di nagrereply.
Tapos naglibot pa ako saglit.
Dahil mukha akong tanga nag nag-aabang sa pinto na may hawak na mga libro. Baka mapagkamalan pa nila akong itatangay yung mga libro.
Then nakita ko na si pang-lima:

-       @   Fat Tuesday ni Sandra Brown (worth 60php) SHET BAKIT NGAYON PA?!?!?!?! KUNG KAILAN PISO NA LANG ANG KAILANGAN KO?!

Panic mode nanaman ako kasi saktong dumating yung tatay ko na piso lang talaga ang gustong ipahiram sa akin HAHAHAHA Pero pinatawag ko sa isang kapatid ko yung ate ko para pahiraman niya ako ng 60php at pinahiram niya ako at…
Ayun kinausap na ako ng ate ko na seryoso na ‘tong pagkahumaling ko sa pagbabasa. Addicted na daw ako. Pero palagay ko di naman pang-adik yung rason ko na “huling araw ko naman na dito sa Book Sale, wala na akong mapagbibilhan ng libro…” at “at sa bakasyon na ulit ako makakabili”

11:43 na at ngayon ko na-realize na pang-adik na yung rason na nasabi ko… Kasi may Book Sale naman sa San Fernando…

Pero okay, may isa na akong rason na di pang-adik!
Yung mga libro na wala sa BS San Fernando ay maaaring nasa BS Baguio! Kaya bilhin ang kung anong meron.

Shet perooo… yung mga binibili ko eh yung mga di ko naman talaga gusting basahin… gugustuhin ko na lang basahin pag nabili ko na…

Peroooo
Shet. Basta, di ako adik! Compared sa iba na madami nang nabasa josko! May mas malala pa sa akin.. at di sila adik… pero…
Shet.

Anyway, nung pumasok ako wala na si Manong Tindero, may kapalit siya na babae. Medyo na-disappoint ako kasi medyo gusto ko siyang ngitian para may closure na wala akong modus, para mawala na din yung useless anxiety ko through him hahahaha. Tapos nung bago ko Makita yung Fat Tuesday bigla ko narinig yung boses niya sabi niya “HALA MAY NAKALIMUTAN AKO! Andun sa ako sa kjfiuefiergf” Di ko na inintindi yung katuloy nung sinabi niya kasi nag-panic ako, nagtago ako sa likod ng shelf HAHAHAHAHA.

Shet ang weird.
Ang weird ko.

PS: Alam ko na kung saan makakapagkalkal ng 35php and below worth na mga paperbacks! Kekekekekeke di ko sasabihin.

No comments:

Post a Comment