Saturday, December 29, 2012

As of 10:50something last night


Three days straight kaming pabalik-balik sa SM Baguio eh sa Book Sale at National Bookstore lang naman ang pinupuntahan ko tuwing nasa mall ako.

Anyway, kwentong booksale 'to.
Ayun nga, dahil three days straight kaming pabalik-balik sa SM, ganun din ako sa Book Sale.

Dalawa lang ang bantay dun eh, isang lalaki at isang babae.

Tapos medyo nahihiya na ako na mag-tagal dun kasi as in more or less 2 hours ako kung mag-stay dun eh kaysa naman kasi na mukha akong tanga na mag-isa sa food court gaya nung dati tangina ang awkward.

Anyway, sa pangatlong araw, nahuli ko si kuya na nakatingin sa akin.
Napaparanoid na ako... kabisado na niya ako :(
Medyo type ko na nga si kuya eh kasi hairy na malinis yung mukha niya hahahahha kaso maliit.


Feeling ko na feeling niya may modus ako or something kaya ako pabalik-balik sa shop... anyway, pupunta ulit kami mamaya.


Erhem...
Yung daddy ko pala ang nakabunot sa akin sa monito monita... sa December 31 pa naman ang exhange gifts eklat kaya madami pang oras ang pwedeng gamitin para makapamili ng regalo.
Eh sikreto dapat... kaso ang nakalagay sa wishlist ko eh: kalapati, manok (na nangingitlog), canvas at fabric paint at libro (bale, isa dun na worth 150-200php ang dapat na ireregalo mo) Tapos yung nanay ko na inutusan ng daddy ko na bumili ng gift niya para sa akin, sinabi na sa akin na inutusan siya... at binigyan na lang ako ng 170php

hahahay

at ayun, bibilhan ko na lang ang sarili ko ng mga libro... tutal gusto kong i-challenge ang sarili ko sa 100 book challenge ekkers sa good reads hahaha

worth 109php pa lang nabibili ko, tatlong libro ang nabili ko dun
at bukod sa pera na binigay sa akin, binilhan ko din ng regalo ang sarili ko, mga libro pa rin, of course:
GAMIT ANG PERA KO, BINILI KO ANG FF:
- Revolutionary Road ni Richard Yates (worth 127php tangina pumikit ako nung binili ko hahaha ang mahal kasi pero gusto kong basahin kasi nairita ako sa movie)
- Bridget Jones's Diary ni Helen Fielding (kakatapos ko lang basahin at mas gusto ko yung pangalawang book kasi mas natawa ako) (worth 27/28php nakalimutan ko na, basta below 29php ang presyo... ang mura shet, nakamulagat ako nung kinuha ko mulagat=wide-eyed)
- The House at Pooh Corner ni A. A. Milne (RF: mahilig ako sa children's lit as in kasi nakakaiyak na refreshing... at ayun nakamulagat akong muli nung kinuha ko kasi pangarap kong makapagbasa ng gawa ni A. A. Milne, touching ang dialogues sa mga sinusulat niya... manuod kayo ng Winnie the Pooh, magegets ninyo) anyway, worth 55php (nakapikit ang isang mata ko nung kinuha ko.. ang mahal eh)
- Henry Huggins ni Beverly Cleary (fan ako ni Beverly Cleary eh hehe kasi Childhood favorite ko yung Ramona the Pest niya... ikukwento ko next time kung bakit, pero mababaw na dahilan lang naman, walang bloodshed na nagyari o ano haha woops, meron pala :x) (muling nakapikit ang isang mata ko nung binili ko- 55php worth)

AAAAAAAAAAAAND

- James and the Giant Peach ni Roald Dahl medyo napahiyaw ako ng konti nung nakita ko kasi na-sanwich siya sa pagitan ng mga baby books na matitigas blahblah e tapos matagal ko na siyang gustong basahin... nakaka-intriga lang kasi disturbing daw at parang gusto kong maging fan ni Dahl... hahahahahha ewan parang nahahatak ako ng mga tao na may gusto sa kanya *shrug* okay di na niya ako fan aaaaaaand it's worth 35php very, very good! muy bien! belissima!)


GAMIT NAMAN ANG 170php ni itay, i bought the ff:
- Honor Bound ni Sandra Brown (okay, fan ako ni Brown kasi juicy at steamy and lahat na ang sex scenes niya sa mga nobela ugh di na ako nagulat kung bigla na lang ako na-horny sa kalagitnaan ng nobela niya... and magaling siya sa suspense! as in sa bawat libro niya eh iba ang dating ng suspense... i-compare mo kay Sidney Sheldon, pag may nabasa kang libro niya, alam mo na sa susunod na mababasa mo na "ah ito yung, pumatay kasi di siya masyadong na-mention blahblah" ganun... kay Brown, sa bawat nobela niya may ibang OMG factor... well, para sa akin (loyalty award goes to me~!@~) Nag-squeel ako nung nabunot ko sa ilalim na part yan eh hahaha kasi bihira na ang Sandra Brown sa Book Sale sa Baguio kasi nakuha ko na lahat... well, madami pa naman yung soft bound kaso 130 ang isa wtf no way... ayun nagulat talaga ako kasi *drumrolls* 37php lang siya~~~! so far, ang pinaka mura na Sandra Brown na nabili ko~ err na nakita ko :P (kasi nga pera ni itay ang gamit na pambili, bakit ba ako nageexplain?)
- Anne of Green Gables ni L.M. Montgomery (kids lit ulit hehe, gusto din kasi ng ate ko na basahin, pinipilit niya na hanapin ko kasi familiar sa kanya weird pero gusto ko naman siyang basahin... pero medyo natakot akong kunin kasi series pero at least kahit na di ko makumpleto sa future, nakuha ko na yung first book hehe and ang presyo? a whopping 37php, saktong presyo sa talagang binibili ko :D)


AAAAAAAAAAAAND
- Contact ni Carl Sagan matagal ko siyang tinitigan eh kasi nagulat ako na may Carl Sagan sa Book Sale haha at medyo di naman ako science wiz o ano pero ginanahan akong kunin kasi paboritong tao siya ni Augustus (yung love kong tao?) at mahilig din kasi ako sa mga libro na nagawa nang movie.. tinanong ko si daddy after kong kunin kung maganda yung movie at sabi naman niya na maganda kaya natuwa naman ako at kinuha ko at 35php ang presyow uh-yeah~


Mga 15 minutes akong makatunganga sa Book Sale bago ko pinagisipan na kung itago ko muna sa sulok at pumunta muna sa NBS at pag-isipan na bumili ng Murakami pero dumating yung kapatid ko sa BS at ayun siya na yung nag-decide para sa akin na kunin ko na yung tatlo kaysa isa.
At masaya ako sa naging desisyon namin.
Si Murakami, di mawawala yan :D
-

And pag mamaya talaga pupunta ulit kami ng SM, ngingitian ko na si kuya sa Book Sale para wala na yung useless anxiety ko pagdating sa kanya habang namimili ako ulit ng librong tinda niya.
Bukas pala, feeling ko madaling-araw na :l

No comments:

Post a Comment