Friday, December 21, 2012

Gusto kong maligo sa ulan.

Diyan ako nakatira... well, sa pinagtatyuan ko nung kinuha ko yang picture na yan. Carlatan ang pangalan ng barangay namin. Okay.

Sa totoo lang yung mga pictures na nasa post na 'to eh nung May pa, nung huling beses na nakaligo ako sa ulan. Nanay ko pala yan.


Kapatid ko at yung isang aso namin na si Chico. Pinaampon na namin siya. Paborito kong aso yan haha ang likot kasi.


Paa ko. Nakainom ako sa hapon na yan eh tapos biglang umulan. Kaya umakyat kami sa penthouse ng bahay. Tapos parang three minutes lang na malakas ang ulan kaya di ako masyadong nabasa agad. Nagpa-ambon pa ako ng kalahating oras para naman talagang "naligo" ako. Nakadress ako na black niyan eh.
Nagandahan ako sa sarili ko sa hapon na 'yan. Okay.


At ang aking eyeglasses. Halos lahat ng naging eyeglasses ko so far eh laging kulay pula. Yung unang eyeglasses ko kulay pink na ang laki.. pang Betty la fea talaga. Ang pangit nun pero sa panahon ngayon eh maganda ang ganong eyeglasses. San na kaya yun.. gusto kong ipapalit. Yung sumunod eh black na pabilog haha ampanget, bilog na nga mukha ko... di ko bagay. Then yung fuchsia na ninakaw haha tangina yun. Then isang pula na then pula ulit then yan na. Yey


Ang nonsense ng post ko.
Ang boring ng buhay ko ngayon.
Pero naeenjoy ko.
Kasi nakakapg-isip ako.
Pag masaya ako
di ako nakakapag-isip
nang ganito katindi
pag masaya ako puro pagfofocus 
sa masayang eklat lang ginagawa ko
ayaw ko ng ganun
di naeexcercise ang utak ko
pag malungkot kasi mag-iisip ka talaga
kung paano mo maaaliw ang sarili mo
tapos habang iniisip mo ang mga ganun
mas lalo mong nakikilala ang sarili mo
blahblah


1 comment: