Saturday, December 29, 2012

As of 10:40something last night...


Di ko na alam kung ilang araw na ako nandito sa Baguio na kasama ang kumpletong pamilya...
Dito kami nag-celebrate ng pasko kasama yung mga punyetang side ng pamilya ni Mommy. Yung mga punyetang arsab na ilokano (arsab=greedy) at mga plastic na nilalang. Ayoko sa kanila. UGH.

Ayoko sa kanila.

Ayoko sa kanila...

Iniisip ko yang thought na 'yan kung minsan,

Wala kasing may gusto sa akin.
Parang last choice ako lagi.
Pagdating sa pamilya, di ako napapansin... yung mga kamag-anak ko sa ibang bansa sa sobrang walang pake sa akin, ang alam nila grade 5 pa rin ako hanggang ngayon. Yung binibigay nila sa akin eh para sa mga batang babae na tinutubuan pa lang ng boobs na yung lumobo lang yung nipples ng konti eh binibilhan ng ng nanay nila ng bra. i hate that stage of development. Yung tumutubo pa lang ang boobs... kasi kahit na may beginner's bra ka, halata talaga na yung nipples mo yung malaki.. yung parang kagat lang ng lamok na permanent tapos ang laki ng tiyan mo... hahaha tangina, okay... bakit napunta na dito ang usapan.

Anyway ayun... Yung regalong natatanggap mo e yung mga recycled na gifts o kaya yung sira. Hay.

Basta.. nakakalungkot minsan pero nare-realize ko na dapat eh di ako malungkot dahil di din sil worthy ng precious attention ko. Pero wala ding silbi na tawagin kong precious ang attention ko kasi wala namang may gusto.

Okay, nalulungkot na ulit ako.

Madaming times kasi pag gusto ko ng attention, gusto ko ng attention galing sa iba eh :( tapos wala talagang nakakapansin sa akin tapos ayun sa bawat oras na lumilipas, nagbabago ang pananaw ko sa buhay na... im better off alone talaga.. ganun...

Shet I'm lonely.
As in.

Speaking of lonely nga pala, may nabasa ako na "don't be with a man just because you're lonely"

di ko talaga gets yang kasabihan na yan...
Ako, gusto ko ng "lalaki" kasi malungkot ako... Di ba kaya ka maghahanap ng ka-something dahil malungkot ka?
Bakit ka maghahanap ng ka-something kung sobrang satisfied ka naman sa buhay?

Nalulungkot talaga ako.
Au :(
Augustus, please.


Uhhh...

No comments:

Post a Comment