Saturday, December 29, 2012

And as of now


Fuck.
It feels nice to blog again.
Parang guminhawa yung buhay ko.
IDK ang sarap mag-share
ugh ginamit ko nanaman yung word na 'sarap' ayoko ng word na yan kasi ang laswa ng dating hahahaha ewan, ganun ang dating sa akin ng salitang 'yan.


Pero masaya lang naman ang dating pag libro ang binablog ko.
Pero pustahan, next year, di na ulit ako mahilig mabasa ng libro... madali akong magsawa eh... madaling makalimot.. half limot lang gaya dun sa photography ko na hobby... dati sobrang kina-adikan ko pero after a year or so parang lalalala~ 'okay' na lang ang dating niya sa akin.


Naiirita nga ako sa ate ko lately eh kasi siya yung nag-introduce sa akin na ma-adik sa pagbabasa (inintroduce niya sa akin si Sandra Brown hahaha) tapos parang disgusted ang turing niya sa akin pag bumibili ako ng libro... kasi ebooks ang binabasa niya... pero di naman niya sinasabi na disgusted siya pero kung makatingin siya sa akin pag may nabibili akong libro eh parang "duh ang mahal ng libro, mag-ebooks ka na lang" ganun yung tingin niya sa akin tapos gusto ko siyang sabihan na ayaw ko ng ebooks kasi:

- wala akong ebook reader
- masakit sa mata ang pagbabasa ng ebook sa gadget
- di mapagkakatiwalaan ang iba sa ebooks kasi di accurate ang nakasulat
- ang SARAP pag nakikita mo yung libro sa shelves sa bahay ang SARAP ng amoy ng libro ang SARAP himasin ng libro pag wala kang magawa


See? ang laswa ng salitang 'sarap'

1 comment: